
[Verse 1] Hindi makatulog sa gabi Sa kaka-isip sa'yo, sinta Kung gugustuhin lang ng tadhana Na ika'y mapasa-akin Walang rason para ito'y tanggihan pa [Verse 2] Itong alay kong awitin Para sa nag-iisang binibining Aking tinatangi Maari bang mahawakan Ang iyong mga kamay Nang hindi na ako mangamba [Pre-Chorus] Sapagkat hindi ko alam Kung paano lilimutin pa Ang mga ngiti mong nakabighani Sinta, sinta [Chorus] Pakinggan ang aking awitin Upang iyong madinig Ang bugso nitong damdamin Ikaw ang tanging hihilingin Kahit sa aking panaginip Sana'y ika'y mahagkan Oh sinta, oh sinta (Oh sinta) [Bridge] Ikaw lang ang tanging hihilingin Nawa'y ika'y mapasa-akin Maria Clara kong sinta (Oh oh oh) [Chorus] Pakinggan ang aking awitin Upang iyong madinig Ang bugso nitong damdamin Ikaw ang tanging hihilingin Kahit sa aking panaginip Sana'y ika'y mahagkan Oh sinta, oh sinta (Oh sinta) [Outro] Ikaw lang ang tanging hihilingin Nawa'y ika'y mapasa-akin Maria Clara kong sinta

